Casey Profiles |
Sa kabila ng kr1sis na kinakaharap ng ating bansa ngayon at sa mga mapagsamantalang tao na sinasamantala ang pangyayaring ito sa bansa, nakakatuwa lamang isipin na mayroon pa ring ilan na nananatili na magbigay ng tulong para sa mga nangangailangan sa kanilang simpleng paraan lamang.
Katulad na lamang ng paraan ng isang 63-anyos na lalaki na ito para lamang makatulong sa mga tao sa gitna ng b4nta ng COVID-19 sa bansa.
Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang larawang ibinahagi ng netizen na si Melissa Contreras Miguel kung saan makikita na ang kaniyang tatay ay nananahi ng mga face masks.
Kwento ni Melissa, matiyaga daw talagang tinahi ng kaniyang ama ang mga improvised face masks upang ibigay ito ng libre sa mga taong nangangailangan nito. Naisip daw ito ng kaniyang ama bilang paraan na rin ng kaniyang pamamahagi ng tulong para sa ibang tao dahil na rin nagkakaubusan na nga ang face masks sa mga pamilihan dahil na rin sa panic ng mga tao na dala ng COVID-19.
Ani Melissa sa caption ng kaniyang post,“My dad, 63 y/o doing his own little way to help.”
Sa kabilang banda, marami naman sa ating mga netizens ang naghayag ng kanilang paghanga sa paraan na naisip ni Tatay para lamang makapamahagi siya ng tulong sa ibang tao.Narito ang ilan sa kanilang komento:“You are a hero with a big generous heart Tatay! The Lord will protect and strengthen you to face this crisis. God bless you and your family!”“You have a big heart Sir, you’re so generous to go out of your way to help others👍❤️… God will reward you in many ways”“Thank you sir for being good person doing good things doing your part how to help people w/o asking helps from others! God will bless you all!”“There are ways we can think of to be of help to others…in our own simple"
Sign up here with your email