LOOK: 'DI KAMI SINGIL, TULONG MUNA KAMI'; BUMBAY KUMATOK, HOUSE TO HOUSE NAMIGAY NG RELIEF GOODS



Ang bilin ng mga nanay sa kanilang mga anak kapag dumating ang Bumbay para maningil ng pautang, “anak sabihin mo wala ako.”

Madalas silang pagtaguan ng mga nanay na walang pambayad sa 5-6, appliance o kumot na inutang. Pero sa pagkakataong ito, hindi muna sila dapat iwasan.



Isang grupo ng mga Bumbay ang kumatok sa magkakapit-bahay sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan hindi para mangulit kundi para mamigay ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine.

Viral ngayon sa Facebook ang post sa Master Epong page kung saan makikita ang ilang miyembro ng Punjabi Sikh Community na namahagi ng bigas at grocery packs.

Sinaluduhan sa social media ang Indian nationals matapos ang ipinamalas na deed of kindness sa panahon ng krisis. Patunay ito na to the rescue talaga sila sa panahon ng kagipitan!






“Naks naman! Pasikatin natin itong grupo ng mga bumbay na ‘to.. sa halip na maningil ng mga pautang ay namigay muna sila ng mga relief goods sa mga costumer at ibang kababayan natin na kinakapos dahil sa lockdown,” sabi sa trending post. “Pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa COVID-19.”

“Good job mga sir! saludo po kami sa inyo! salamat sa pagmamalasakit sa mga pinoy. God bless you!”

As of this posting ay pinusuan ito ng netizens 21,000 beses at nai-share 33,000 beses.

No wonder kung bakit love na love ng mga Pinoy ang mga Bumbay. Hindi lang dahil mabilis silang utangan as they also have the heart of gold in times of trouble.
Previous
Next Post »

Recent in Recipes