Mga nag Yoyosi, Vape mas madaling dapuan ng COVID-19






MAYNILA — Mas madali nga bang tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga taong naninigarilyo at gumagamit ng e-cigarettes o vape?

Ayon sa public health expert na si Dr. Susan Mercado, bahagi ang smokers ng "20 percent" na may tsansang dapuan ng malapulmonyang sakit.

"Smokers have been identified already, [and] vapers, people who have lung infections like tuberculosis. Ito ang nasa 20 percent na maaaring magkaroon ng sakit," ani Mercado.



Ayon kay Mercado, kagaya ng mga may underlying conditions, mas may tsansa ring mag-develop ng severe complications ang mga nagyoyosi sakaling tamaan sila ng COVID-19.
"The thing is when you get infected with this virus, if your health is really not good, there is nothing can be done. Parang there is no way to slow it down. This is the problem with the disease. You just hope that your body is going to fight back," ani Mercado.


Payo ng public health expert, pinakamagandang paraan pa rin ng pag-iwas sa COVID-19 ang pananatiling masigla at malakas ang resistensiya.
"Right now you have to put your body into fighting mode," aniya.

Love this article? Share it with your friends

Previous
Next Post »

Recent in Recipes